Thursday, April 23, 2009

baka lang naman...

Sa simula pa lang ng kasaysayan ang mga babae ay nilikhang katuwang ng mga lalaki. hinugot daw sila sa ating tadyang at itinalagang sakupin ang kanilang isipan. alam nating mala-pyudal ang pagsasalarawan ng "sakupin" pero eto cguro ang karakter ng Dios ng Genesis. sa makabagong panahon, ang ganitong kaisipan ay hindi na din angkop sa tema, base na din sa kalawakaan ng ating pagaaral.

ayon sa NGO partikular ang mga peministang grupo ang babae ay mas hirap sa buhay kaysa sa mga chauvinistang lalaki. sila daw ang sumasapo sa sampal, suntok at mas madalas na napagsasamantalahan. pisikal man o emosyonal.

may mga Pilosopong tinitignan ang babae bilang bagay lang. nilikha daw sila ng sadya para maging pangalawa nating ulo.

base sa pagaaral, ang pilipinas daw ay merong higit na 40,000 na "kalapati sa gabi" eto ang binabaka at mariing tinututulan alinsunod na din sa batas at kalusugan ng kababaihan. sa kabila ng bentahan ng laman dito nagsulputan ang mga babaeng judge, police, senador, kargador, pedikab driver, jipniy drayber na sumasalamin sa pakikibaka ng mala-pyudal nating kultura.

ayon sa nabasa ko kung ang pilipinas ay may 40,000 na pokpok at kumikita sila ng 1000/a day, isipin nio sa 40,000 x 1000 ay 40M na kung sa 365 days pa kaya e di sa isang taon naka 14.6bilyon na tau.

isipin nio mga tol baka pekpek ang sagot sa krisis ng pilipinas? nag-susuggest lang nman ako.

OO nga pala sa sampaloc lang pala 'tong populasyon na 40,000.

pera pera lang yan

Kumakailan lang may mga ilang grupo na nais ipitin ang pagpapadala ng dolyar dito sa pinas, sa kdahilanang mababa ang palitan. nais daw nia i-paralyze ang currency flow.

eto ang Sagot ko bilang isang mamamayan na nakakaintindi ng kaunting sa ekonomia. eto po ay paliwanag at per puntong sagot at epekto na maaring mangyari sa gagawin nio, kahit pa ihinto ang pagpapadala ng "sabay sabay".

unang punto: kulangin man tau ng reserve pupunan pa din eto ng gobyerno sa pamamagitan ng mga ss: pagtaas ng interest, pag-isyu ng maraming bonds, etc.

pangalawa: hindi lang remittance ang nagdidikta ng daloy sa bilihan/palitan ng dolyar, nandian ang sektor ng import-export na pangunahing kliyente ng forward contract.

pangatlo: ang multinational ay maaring magbago ng LOI/MOA/LOC na bumibili/nagpapalit din forward market.(binibili eto in-advance)

pangapat: (epekto) manghihiram tau sa karatig na bansa para mapunan ang reserba natin(particular sa thailand na kung san katambal natin sa currency pattern) sa interest na papatong ulit sa pangkalahatang utang ng bansa.

panglima: (epekto) dahil dadami ang may utang sa iba't ibang sektor, liliit ang budget sa lahat ng aspeto at maaring ibenta pa ng gobyerno ang iba pang lupain para punan ang kulang.(in the long run bibilin din eto gagawing GOC, mukhang gago diba?)

sa puntong eto nagiisip ka ba? papansinin mo pa ba ang supply at demand. ang mga POLITIKO natin ay HINDI ekonomista, politiko lang sila.

Ang law of supply and demand ay hindi simpleng pagkayat ng isang pwersa at pagbaba ng kabila.

hindi lahat ay applicable eto. dito sa pinas hahanap ang mga nasa estado poder kung paano babasagin ang law of supply and demand, buti na lang may pagkawais ang pinoy pagdating sa pera. (keynesian application nga nung taong 1992 hanggang 2000 halos nabago e di lalo na kung pera, isang maliit na subject tan sa ekonomiks) sabi nga nila ang pera ay may backup reserve bago eto matawag na pera. Ang pera ay representasyon lang ng kung anong meron ang bansa sa pangkalahatan nating kita at porsyento ng gintong reserba. ang PERA sa pangkalahatan ay hindi INFERIOR commodity.

ipapaalala ko lang na hindi nabibili ang pera ng pera. ibig sabihin kahit saang sentimo eto pumalo kukunin nia pa din ang lakas/pwersa nito ayun sa nabanggit sa mga punto.

eto ang gusto kong maintindihan ng mga nanawagan:
HINDI SUMOBRA ang supply ang tutuo nagkulang eto sa DAMI ng demand.(halimbawa dito ung pangalawa at pangatlong punto) sa ganitong kadahilanan, dito naluluto na mas mura ang remittance mo.(kung baga sa divisoria pakyawan) (e bakit pinapakyaw? para maging mura ang pagangkat ng ano mang idadala sa pilipinas tulad ng langis, tin, etc)

posibleng maparalisa ang bansa pero isang araw lang eto, OO bumaba ang kita mo naiintindihan namin un pero lahat tau ay apektado ng krisis.

tanungin mo ang sarili bilang isang Pilipino. nakatulong ba ako sa bansa o nabwisit lang ako dahil bumaba ang kita/palitaan ng dolyar sa peso?

isipin mo katoto kung iaambag mo ang pagunlad ngaun sa bansa tatamasain yan ng magiging apo natin at magiging apo ng anak natin. Kung ang lebel ng tinitignan nio ngaun ay para sa kasalukuyang panahon, manginig ka dahil kawawa ang anak natin kung hindi tau kikilos ngaun para baguhin.

kung may yosi kang hawak ngaun isindi mo na yan, wala na akong idadagdag.

pakshet!
kung bakit kse ang baba ng palitan
di tuloy ako
nakapagpapalit nung mataas pa. <--- balimbing ampotah (sensia naman tao lang)

Wednesday, April 22, 2009

AKTIBISTA nuon, BURGES ngaun
pangalawang bahagi


1996, disyembre, Central Luzon ang una kong BMI(basic mass integration), nasanay na kausap ang magsasaka at makipamuhay sa kanila, walang kanin sa itaas dahil mais ang ginawa naming kanin, kadalasang sakit ng mga NPA ay malaria kaya pag may YS na nsa itaas na dumalaw animo'y pasko... Mahirap kumilos sa itaas, mas maraming pagaaral at pagpapasensia, ang hindi ko ginagawa sa lungsod ay dun ko ginagawa, pinagsaka dinkami dahil bahagi un sa tungkulin namin, hindi pa naman ako ganap na pulang mandirigma dahil katakot-takot na assessment ang dadaanan bago maging lubos na kadre... mas madaling mamasyal sa itaas sa panahon ng pasko, bukod sa ceasefire, anibersaryo pa eto ng Partido... kung ang napapanuod mo sa pelikula, Milit ang bida, dito iba ang tagpo, mas takot ang tao sa Milit kumpara sa Neps. naaalala ko nuon na tumigil kami sa paglalakad para magpahinga, may nakita akong bungkos ng saging pero hindi pedeng galawin. tres-otso ang tawag namin dito, ang lahat ng bagay ay may pahintulot ng may ari o ng masa. tiniis ko ang gutom, nanghina... iniwan ako sa isang masa para ibaba sa bundok. mahirap pala talaga dito, sumagi sa isipan ko pano kaya kong ang tiyuhin ko ang nakita kong nagsosona sa bundok, babarilin kaya nia ako? alam ng mga kasama na galing ako sa pamilyang Militar, pamilyang puno ng diktaturya at pasistang paraan...


Natapos ang paghihimay ko nuon ng biglang may putukan sa di kalayuan... hinahanap ang mga estudyanteng prumenteng mga researcher, napagalaman kseng nagsumbong ang isang nanay ng isa naming kasama at pilit kaming kinukuha... TANGINA KAMI YUN, isa ako sa nahiwalay gawa ng aking kalagayan... napandaan ang ronda sa bahay na aking tinuluyan, balot na balot ako ng kumot sa taas ng lagnat, hinalughug ng militar ang bawat bahay habang ako nama'y nakahiga at sa likod ay M16, hindi biro ang mahiga sa bagay na sa tingin mo ay pumuputok, inisip ko na lang na ang bago dumating ang pasko, petsa ng kaarawan ko ang unang dadaanan, wlang pasko pag hindi ako nagdiwang... sampung taon na pala talaga ang nakalipas... maliwanag pa din ang mukha ng taong kumubkob at naputol ang lahat ng alaala ko sa pagpasok ng isang call mula sa U.S., "thank you for calling customer service..."

ngaun ko naisip, hindi pa din tayo malaya!

(originally posted 9/23/04 on my other blog)

AKTIBISTA nuon, BURGES ngaun
unang bahagi

1994, 2nd sem, nobyembre, sa kasagsagan ng init ng araw habang pumapalahaw ang masaganang sigaw ng kapwa ko kabataan nuon sa pagbagsak ng rehimen... "IMPERYALISMO IBAGSAK!" habang ang iba naman ay nagpapaliwanag ng kasalukuyang isyu sa mga bagong kaanib, nagpupulong naman para sa mga darating pang pagkilos-protesta ang ibang kasama, at natural na din ang palibot na vendor na sia nmng sinasamantala ang pagkauhaw nmn... yan ang mukha ng buhay ko nuon... REWIND

1st year, first sem, bagong pantalon, uniporme at hanep sa hagod ng gel, naglalakad ako sa pasilyong dun ko lang nakita ang walang kwentang pamantasang may malaking nakapaskel na NO SMOKING samantalang ang gwardiya mismo ay naninigarilyo sa tapat ng signage na un. para akong nasa preso hindi pa din pala organisado dito, napasok ako sa kwartong ako lang ata ang nakauniporme, lintik! habang sabay sabay silang tumingin at sinasabing "welcome, inmate!". dito ko agad sumagi sa isip ko na ang buhay ng tao ay hindi pantay pantay, merong rumaraket sa amin ng nagtitinda ng yosi, mani, mais, blubook, etc para lang sa pagtawid ng kanyang pagaaral. meron din nmng pa-lovers na parehas na ata lahat ng pinag-examan ng mga ka-klase kong eto para lang maging magkasama sila, nakita kong hawak ko pa pala ang biblia, ow shet! inisip ko na lang ang babalikan ko mamayang tirahan, isa pang mala presong lugar, KUMBENTO! HIndi naman ganun kahirap sa loob, pero pride ata sa iba na sabihing nasa seminaryo ka habang nagaaral ng accounting... layo ng hulog, accounting con seminarian, pero yun tlaga e. una pa lang nandian na ang kilos protestang kinagulat naming lahat habang ang iba ay tuwang tuwa sa pagsuspende ng klase... nilapitan ko ung taong humpak ang pisnging aktibista at kinausap ko, nagpakilala at nakipagbalitaktakan, duon ko nalamang parehas ang turo ng simbahan at ng kilusan, sa pananamantala ng burgesya komprador. hindi na ako nagtaka kung nong sumunod na semester e kasama na ako sa Raliyista...

Kasagsagaan ng isyu ng GATT nuon, habang inaantay ang pagboto ng ilang mambabatas sa ratipikasyon ng naturang tratado(treaty), hindi maalis ang tension ng KY sa unit ng kabataan at ilan pang sector na pilit pumapasok sa batasan... isa lang ang sagot nuon ng pasistang KY ang bombahin kami ng tubig at tapunan ng tear gas... naiiyak ako habang iniisip ko na ang gawi nila ay gawa ng isang tuta ng kano, nakakahiyang isipin pero tauhan pa rin tayo ng punyetang impe... umuwi kaming pagod at puno ng paliwanag sa mga kasamang na-dedemoralize sa pagkilos. iniwan ko ang seminaryo at sumama sa pwersang hangad ay kalayaan, mahirap magorganisa sa pyudal na lipunan at hineheleng burgesya... hanggat binabansot at pinaiiral ang monosopniya na ang G7 ang siang nagtatakda ng presyo, ang bansang nangarap na tigre ay pusa pa rin. Hindi ako natigil dun, lumubog kami sa mga union na may strike, kung hunger strike sila kasama kami dun pero hindi ko maaalis ang pagiging burges dahil pagalis ko ng picket, tutuloy ako sa malamig na mall at mag-weWENDY's. Ironic sabi nga nila, pero hindi isang bagsakan lang ang pagbabaka natin sa sarili. Iniwan ko ang accounting, nagshift sa economics hinasa ko ang buhay ko sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung para mapalapit ako sa masa at iugnay ang kasalukuyang kalagayan natin, mala-kolonyal at mala-pyudal pa din tayo. maraming natatawa pero mas natatawa ako sa taong natawa dahil sila mismo ay ignoranteng biktima. habang may tatsulok at sila ang nsa tuktok hindi mababago itong gulo...

10 taon na pala ang nakaraan, pero amoy ko pa din ang dyaryong inupuan, ang mojong tsinelas ay matibay pa din, ang bandilang pula na may alibatang i(k sa makabagong salita), ang rolling store na kasama sa lahat ng rally at si KA CHINO na walang humpay sa pakikinig habang may programa sa mendiola. hindi dun natapos ang dahil umakyat pa ako sa itaas...

(originally posted 9/23/04 on my other blog)

wala akong maisip na title

Ano ang depinisyon ng saya sa bawat tao. pede 'tong iba-iba: ang saya ay may ibang depinisyon ayon sa kausap natin, ayon sa tumitingin, minsan ipinapantay pa natin ang saya sa paligid natin. tawag dito plastic. hindi lahat ng nakangiti ay masaya at hindi lahat ng masaya ay tama.

gumawa ka ng tama yun ang masaya. may nagmessage sa akin sa friendster kung masaya daw ba ako sa buhay ko... tumugon ako ng mas masaya ako ngaun kaysa nung binata ako. Bakit ko nga ba shinashare eto, simple lang. Dahil masaya ako!

Sabi nila matutuldukan daw lahat ng saya pero eto ay depende sa pagkatao natin at kung paano natin hinaharap ang problema. Sa estado ko ngaun ako ay masaya.




(inutusan ako ng misis ko, bukas ko na tapusin to)

Sunday, February 08, 2009

pasakalye ng pagbalik

matagal din akong di nakapanulat sa blog nato.
naging busy lang cguro ako sa sarili ko. eto rin cguro ang indikasyon na may trabaho na akong matino... ganun nman lagi ang pinoy pag may work busy busyhan kahit jerjeran nawawalan tau ng panahon.

Friday, February 01, 2008

Literatura sa Bacobo Nakpil

Taon na pala ang binilang ko bago muli akong umapak sa lupang humubog ng pagiging dekadente.

kahapon lang ay kadaop palad ko abang kapisan sa pagikot sa daang dati'y siksikan, ngaun ay animong merkante ng barrio. eto na ngaun ang eksena sa Bacobo-Nakpil.

dito nabuo ang lahat ng nahubog ang kamalayan ng pagiging ako ngaun.

nakakatawang nanduon pa din ang mga serbedorang kakilala nmin nailipat lang ng ibang bar dahil iisa din ang may ari ng establishimento. may mga dating sitsit boys na ngaun ay karpintero na. marahil eto ang hinihingi ng pagkakataon sa kanya... ang umakyat ng antas mula sa pagtitinda ng yosi.

nakakatuwang nakikilala pa din nila ako...

maliit lang ang republikang kinilusan ko pero lahat ng kulay ay sinapo ng mga mata nmin ng gabing yun. hindi man eto kasing kulay ng dati.

sa republikang eto natin makikita ang buhay na nais takasan ng mga tao. depenisyon nila eto sa malakalyeng nirbana... ayaw man nating aminin pero minsan eto din ang lambat para mabusog natin ang damdamin na nuon lang natin naramdaman na binansot sa ating mga bahay bahay.

ang importante ay ang naiwan nating alaala sa bawat kalye tulad ng mapanghing dingding, upos ng yosi, basag na bote, tissue na may detalye ng numero mo o ng babae, habulan sa nagkairingan grupo, gabi ng landi, presintong laging may blotter, noodles sa pagsapit ng alas-2, squid sa alas-3, iyakang walang dahilan, tawanang plastikan at bago umuwi ay ang suka mo sa poste.

san mang panig ng kalye sa nakamulatan kong malate ay matao... may mga turistang kahit papano ay namangha sa simbahan itinatag ng agustino.

madalas kong gawin ang haplusin ang lumang simbahan ng malate para ibigay ng paulit-ulit na detalye sa mga bisitang bagong salta. na minsa'y nagsanib ang impluwensya ng mga taong nabuhay sa asin at ng kanluraning kultura, base na din sa depiksion ng arkitektura.

dito ko dinadala minsan ang literatura ng pagsasanib ng politico-ekonomia.

natutuwa pa din akong isipin na ang ina nang anyuyang sa merkado tuwing gabi ay malate. sa bawat gabing tumuntong ang paa ko dito, ang ngiti ko'y abot-abot sa magkabilaang tenga. ngunit ngaun ni hindi ko nahaplos ang pilada ng simbahan.

Friday, March 23, 2007

ni-recruit daw ba ako!

Lenten season is fast approaching and as usual Filipino religio-fanatic will conduct "wail for the passion of Christ", some are bound to Banahaw, others just simply do fasting, etc. This is the time to search for our "purpose in life"... yet marginalize christian will waive their claim that they already know their purpose.

Guess what, shut the hell up! big ass hypocrite, lam mo kung sino kau.

kumakailan lang may mga Hipokritong dumalaw at nagtuturo kuno ng kaligtasan. no question ask ako dun but when i ask them "is there other way to serve God".

They immediately answered "wala nang iba kundi ma-convert ka sa... kaya cge na para ma-save ka... lahat ng prayer mo sasagutin" (gusto kong sagutin ng fuc**r ka pala, i-konbert mo mukha mo) i smiled telling myself that this fuc**r doesn't know their purpose. God gave us freewill to choose.

Maliit na punto lang kung paano magdasal. The point of prayer is not to get answer from God, but to have a perfect & complete unity with God.

God answer prayers in 3 ways:
1. God says YES and gives you what you want
2. God says NO but gives you sumthin Better or
3. God says WAIT but gives you the best in due time.


so don't start coz a devil knows more than the brethren. OK!

just to give you a background, before you make your judgment. i was a member of "guardian of the faith" and i turn'd back my vocation(from 3 orders). we are not limited in studying the book. fraternity of stone validate every predicate for 5 type of christian readers.

Monday, October 30, 2006

isipin mo to quality or quantity


YES we are proud to say that we are KUHOL-like here huh. lets just say that i discovered a new knowledge. i asked her if we are to choose between the two animals; say Rabbit or Snail which is the best. We answered the question, but im not quite satisfied with the first so we prefer KUHOL this time (hey freewill)

The difference between RABBIT and SNAIL are as follows, when rabbit bam her bunny they do it everyday and may be over 5 times a day, while SNAIL do it once or twice a year BUT their lovemaking will last 80hours.

The question is, are you for the quantity or quality. You saw our pix ryt? Now you know the answer. ...at the end of our conversation, babycake grabs me saying hey we can do both! (gusto kita manilagirl... magaling ka!)

Monday, September 25, 2006

si LOUIE online na!

ewan ko pero the best cguro kung si louie may laro sa web.

eto repapips pag naging superhero sia may buhok na sia




eto tol chance nio ng maka-kotong kay louie



taena pare iba talaga pag big fan ka, IDOL!